Ang pinaka kontrobersyal na uspin sa kasalukuyan ay ang debate sa RH bill. Ang RH bill o tinatawag rin itong Repropductive Health bill ay nagmumungkahi sa lipunan na magkaroon ng pagbabago sa pilipnas laban sa kahirapan. Ngunit, alinsunod sa patakaran ng moral na kaisipan, ang RH bill ay isang usaping nagbubukas ng liberal na kaisipan at alintuntunin sa lipunan. Nais nitong ipahiwatig sa mga tao ang pagamit ng family planning, mga paraan sa tamang pagamit ng kontrasepsyon at ang kontrobersiyang sex education o pagtuturo sa mga estudyante alinsunod sa kahulugan ng sex. Ang sabini Cong. Edcel Lagman isa sa mga kongresita na nagsusulong ng RH bill ay isa itong paraan para macontrol ang populasyon ng lipunan na nagdudulot ng kahirapan sa bansa, ngunit sa aking palagay ito ay isang stratehiya lamang ng mga kapitalistang kompanya tulad ng unilever, fizer at iba pa para magkaroon sila ng benepisyo sa mga taong walang kamuwang muwang sa mga ganitong usapin.
Nagkaroon din ng balita na si Cong. Edcel Lagman ay napangakuan ng mga higanteng kompanya na magkakaroon siya ng commission pag naipasa niya ito sa kamara. Nakasaad din sa loob ng batas ng magkakaroon na tinatawag na “abortion management” o ang pagbibigay karapatan ng gobyerno para magkaroon ng alituntunin ang mga nagpaabort kung paano matatalo ang post abortion complications. Ang rason na ito ay isa sa mga paraan para mapalakas ang loob ng mga nagbabalak na kababaihan na gawin ang aborsyon. Ayon sa mga experto, ang RH bill ay isang binusrang batas sa ibang bansa dahil sa naging epekto nito sa lipunan. Isang malinaw na ebidensiya nito ang pag unti ng tao sa Canada. Ang bansang Canada ay isa sa mga nagapruba ng batas ukol sa RH bill.
Ngayon ang bansang Canada ay isa sa mga naghahanap na ng mga bagong immigrante para lang mapadami ang mga kabataan sa kanilang populasyon. Dahil sa RH bill na naipasa sa kanilang gobyerno nagkaroon ng pangangamba sa bansa na pag unti n g panganganak at pagdarami ng namamtay. Ito rin ay pinasundan ng bansa New Zealand at iba pang mga bansa.
Ang pagbabago tungo sa isang modernong pamumuhay ay isang daan para sa kaularan. Hindi masama kapag ito’y ginagamit lamang sa kabutihan. Ngunit kapag ito’y hinaluan ng kasamaan at kasakiman dahil lamang sa pansariling kapakanan ito ay maaring makasira sa lipunan. Ang RH bill ay hindi dapat maipasa sa kamara alang-alang lamang sa kinbukasan ng susunod na henrasyon. Ika nga may kasabihan “Kung sisimulan natin ang pagbabago sa isang masama at immoral na paraan, ano ba ang isasagot nating matatanda sa ating mga anak at sa susunod pang henerasyon kung paano tayo naging maunlad na bansa?” kaya ba natin sabihin sakanila na nagkaroon ng maginhawang buhay ang ating lipunan ay dahil sa pagpatay at pagpigil ng populasyon ng bansa.
Monday, October 10, 2011
Subscribe to:
Posts (Atom)