Saturday, February 23, 2013
kamatayan sa katahimikan
kamatayan sa katahimikan
by: Germund B. Compuesto
kailan ba ko matatahimik sa aking pagiisip,
kailan ba makakamit ang kawalan ng pighati,
ninais kong lumayo at mawala,
ngunit hindi pa rin maibsan ang pagkawala,
wari'y tadhanang napaglalaruan,
wari'y kalungkutan tanging kaibigan,
natuyo't na ang aking mga luha,
sa iyong paglisan sa walang hangang pagluluksa,
sa bawat patak ng pagsisisi,
sa bawat kirot ng damdaming kailanma'y hindi makubli,
kailan nga ba makakamit ang katahimikan?
sigaw ang suntok sa buwan ng kawalan,
kailan nga ba ako namatay sa kalungkutan?
masaya sa harapan ng marami,
kamatayan sa tuwing pagiisa at pagkukubli,
hindi ko na marahil mabilang kung kelan namatay ang aking puso,
animo'y isang dagok ng pagkakasala ang pagsasaya,
patawad sayo o aking sinisinta,
hindi ako naging mabuti ngunit pagkukulang ang inala'y sayo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment