Saturday, February 23, 2013

Sa bawat sandali

Sa bawat sandali isinulat ni: Germund B. Compuesto. Bawat sandali ng aking buhay, higpit ng hawak sa sayong mga kamay, nais kong ibaon sa walang hanggan, animo'y isang paru- paro'ng nawalan ng pakpak, sa dagok ng pighati't mga lamat, pilit na kinakalimutan ang mga nagdaan, ngunit yakap at halik hindi makalimutan, sa bawat hithit ng sigarilyong hindi mapigil, alaalang pilit na kinikitil, mga aninong mapanghusga't hindi maaninag ng kapalaran, sa sakit na hindi ko maibsan, bawat sandali ng aking buhay, nais kang mahagkan sa huling sandali ng aking buhay.

No comments:

Post a Comment