Saturday, February 23, 2013

Sa Gitna ng Panaginip at Pagpanaw

Sa Gitna ng Panaginip at Pagpanaw isinulat ni: Germund B. Compuesto Sa gitna ng aking panaginip ako'y napukaw, nagising sa hindi mawaring tanawing nakalutang, ito ang aking paraisong walang hanggan, paraisong walang halong kalungkutan, ngunit puno ng kaginhawahan, sa gitna ng aking panaginip ako'y napasigaw, sa pighating hindi ako magkamayaw, nais kong balikan ang nagtapos, mga pagsisisi't kamalian, ngunit nais kong pagsisi'y mapawalan, at hawakan ng mahigipit ang napagdaanan. sa gitna ng aking panaginip ako'y pumanaw, tumalikod sa buhay ng kahirapan, iniwan ang pagpapanggap ng kasaysayan, ngunit sa aking pagpanaw, mga linyang isinulat wag sana makalimutan, ng mga taong handang magbigay para sa kanilang mahal sa buhay.

No comments:

Post a Comment