Saturday, February 23, 2013

oo nga pala wala kana

oo nga pala wala kana by: Germund B. Compuesto oo nga pala wala kana, hindi ko na mabibilang ang iyong mga pilik mata, ang iyong paghinga sa bawat minuto, ang iyong mga tawa sa bawat segundo, ang mala rosas mong labi, sa panaginip na lamang makikita, oo nga pala malayo kana, sa bawat kisap mata nalang kita maalala, animo'y isang istoryang nagtapos, punong- puno ng kalungkutan, mga yakap na napawi ng pighati, mga halik na walang kasing tamis, oo nga pala hangang sa pagpikit nalamang makikita, mga oras na tila walang katapusan, nawala ang lahat sa dilim ng walang hanggan, sa pagtulog na lamang ika'y pagmamasdan, oo nga pala tapos na ang ating kwento ng pagmamahalan, kay pait ng kinagisnang may hangganan.

No comments:

Post a Comment