Saturday, February 23, 2013

Paano ba

Paano ba Isinulat ni: Germund B. Compuesto Pilit man limutin ang nakaraan, pilit man burahin ang nagdaan, pilit man sabihin ayos lang, ngunit sa tuwing ika’y nakikita, pintig ng aking puso’y nahihirapan, animo’y isang gabing walang hangan, puso’t damdamin hindi magkamayaw, aanhin ko ang pagkakaibigan, kung ang puso ko’y hindi maibsan, mga yakap at halik sayo’y hindi makalimutan, ngunit ika’y nakagapos sa nakaraan, ano ba ang kailangan sabihin, ano ba ang kailangan gawin, maaring mahal mo pa siya, nakikiusap ako hayaan mo ang Diyos ang magpasya, sa bawat gabi, aking pinag darasal, na sana’y mapawi na ang iyong kalungkutan, kung alam mo lang kung paano kita minamahal, minamahal kita ng hindi mo malalaman ang sagot, dahil minamahal kita higit pa sa mga sulat at linya, higit pa sa ibig sabihin ng pagmamahal, minamahal kita sa simpleng sagot na “Ikaw” walang labis walang kulang ang pwedeng sumaklaw at bumitaw…

No comments:

Post a Comment